Tuesday, September 23, 2008

MALAMIG ANG SIMOY NG HANGIN

Ang lamig kahapon ano? hehe..
Mahangin.
Ang sarap. Lalo na kagabi. :D

Masarap pagmasdan ang mga puno at halamang gumagalaw sa tugtog ng hangin.

Naalala ko, malapit na ang PASKO.
Ako'y nagagalak at nasasabik dahil palapit na din ng palapit ang aking pagtatapos.

Ngunit nalulumbay din ng pahapyaw dahil hindi lahat ng aking kaibigan ay magtatapos ngayong Oktubre. Nakakalungkot.

Ngayon naman ay maulan.
Hay buhay..

Palapit na ang katotohanan.

Ayan na siya.
Natatakot ako.
Kailangan ng magsimula.
Magbagong buhay.
Patawarin ang sarili.

Sumigaw. Umiyak.Magmuni-muni. Magisip maigi.

Lumuhod. Magdasal, magdasal.
Humingi ng tawad at magpapuri.

Tama na. Gumising sa katotohanan.
Nandiyan na. Ayan na!

Maguumpisa na akong magpapayat.
Tapos magbabasa basa na ako para sa kinabukasan kung hindi ako busy masyado.


Inaamin ko na pikon ako, bugnutin ako, tamad ako.
Pero madali akong kausap.

photo grabbed from: http://abroadblogs.newpaltz.edu/blog/

No comments: